explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang bawat bagay ay ayon sa pagtatakda, kahit ang kawalan ng kakayahan: ang pag-iwan ng kinakailangang gawin, ang pag-aantala nito, at ang pagpapaliban ng oras nito dahil sa mga nauukol sa Mundo at Kabilang-buhay; at kahit ang kairalan ng kakayahan: ang kasiglahan at ang kahusayan sa mga nauukol sa Mundo at Kabilang-buhay. Tunay na si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ay nagtakda ng kawalan ng kakayahan at kairalan ng kakayahan. Ang bawat bagay ay hindi nagaganap sa kairalan malibang nauna na rito ang kaalaman ni Allāh at ang kalooban Niya.

explain-icon

Benefits from the Hadith

  • Ang paglilinaw sa paniniwala ng mga Kasamahan (ang lugod ni Allāh ay sumakanila) kaugnay sa pagtatakda.
  • Ang bawat bagay ay nangyayari ayon sa pagtatakda ni Allāh, kahit na ang kawalan ng kakayahan at ang kairalan ng kakayahan.
  • Nagpapatibay ito at nag-ingat ang mga Kasamahan (ang pagkalugod ni Allāh ay sumakanila) sa pagpapaabot ng ḥadīth ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
  • Ang pananampalataya sa pagtatakda sa kabuuan nito: sa kabutihan nito at kasamaan nito.