Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya tungkol sa Bulaang Kristo, mga katangian nito, at mga tanda nito ng hindi nagsanaysay hinggil dito ang isang propeta bago niya. Kabilang doon: Tunay na siya ay kirat ang mata. Tuna na si Allāh ay naglagay kasama sa kanya ng tulad ng Paraiso at Impiyerno alinsunod sa pagkakita ng mata. Subalit ang paraiso niya ay impiyerno at ang impiyerno niya ay paraiso. Ang sinumang tumalima sa kanya ay papapasukin niya sa paraisong ito ayon sa makikita ng mga tao subalit ito pala ay impiyernong tagasunog. Ang sinumang sumuway sa kanya ay papasukin niya sa impiyerno ayon sa makikita ng mga tao subalit ito pala ay paraisong kaaya-aya. Pagkatapos nagbigay-babala sa atin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa tukso niya kung paanong nagbigay-babala si Noe sa mga tao nito.