explain-icon

Ang pagpapaliwanag

May nagtanong na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa dalawang katangian na nag-oobliga ng pagpasok sa Paraiso at nag-oobliga ng pagpasok sa Impiyerno. Sumagot ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang katangian na nag-oobliga ng Paraiso ay na mamatay ang tao habang ito ay sumasamba kay Allāh – tanging sa Kanya – at hindi nagtatambal sa Kanya ng anuman at na ang katangian na nag-oobliga ng Impiyerno ay na mamatay ang tao habang ito ay nagtatambal kay Allāh ng anuman sapagkat gumagawa ito para kay Allāh ng kaagaw at katulad sa pagkadiyos Niya o pagkapanginoon Niya o sa mga pangalan Niya at mga katangian Niya.

explain-icon

fawaed

  • Ang kainaman ng Tawḥīd at na ang sinumang namatay na isang mananampalatayang hindi nagtatambal kay Allāh ng anuman ay papasok sa Paraiso.
  • Ang panganib ng Shirk at na ang sinumang namatay na nagtatambal kay Allāh ng anuman ay papasok sa Impiyerno.
  • Ang mga tagasuway na mga Muwaḥḥid ay nasa ilalim ng kalooban ni Allāh: kung loloobin Niya ay magpaparusa Siya sa kanila at kung loloobin Niya ay magpapatawad Siya sa kanila, pagkatapos ang kahahantungan nila ay ang Paraiso.