explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pag-upo sa mga libingan. Sumaway rin siya laban sa pagsasagawa ng ṣalāh paharap sa mga libingan sa pamamagitan ng pagiging ang libingan ay nasa dako ng qiblah ng nagsasagawa ng ṣalāh dahil iyon ay kabilang sa mga kaparaanan ng Shirk.

explain-icon

fawaed

  • Ang pagsaway laban sa pagsasagawa ng ṣalāh sa mga sementeryo o sa pagitan ng mga ito o paharap sa mga ito, maliban sa ṣalāh ng paglilibing, gaya ng napagtibay sa Sunnah.
  • Ang pagsaway laban sa pagsasagawa ng ṣalāh paharap sa mga libingan bilang pagpinid sa maidadahilan ng Shirk.
  • Sumaway ang Islām laban sa pagpapalabis-labis sa mga libingan at laban sa pagkahamak sa mga ito, kaya naman walang pagpapalabis at walang pagpapabaya.
  • Ang pagkabawal ng paglabag sa Muslim ay nananatili matapos ng pagkamatay niya batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang pagbali ng buto ng patay ay gaya ng pagbali nito habang buhay pa."