Ipinapahayag ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga Ummah niya ang pinakahuling oras sa dalawang dasal na Subh at Asr,Ipinaalam niya na sinuman ang umabot ng isang tindig ibig sabihin ay nagdasal at umangat siya mula sa pagyuko sa pagdarasal ng Subh bago sumikat ang araw,Magkagayun siya ay umabot sa dasal na Subh na naisagawa niya dahil sa pagganap niya ng isang tindig sa [takdang] oras,At gayundin ang sinumang umabot ng isang tindig mula sa dasal na Asr bago lumubog ang araw,Magkagayun siya ay umabot sa dasal na Asr na naisagawa niya dahil sa pagganap niya ng isang tindig sa [takdang] oras.