Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagpaparami ng pagsumpa sa sinumang hindi nagiging karapat-dapat, siya ay karapat-dapat sa dalawang kaparusahan: Una. Hindi siya magiging isang saksi sa Araw ng Pagbangon sa mga kalipunang may pagpapaabot ang mga sugo nila sa kanila ng mga mensahe. Hindi tatanggapin ang pagsaksi niya sa Mundo dahil sa kasuwailan niya at hindi siya pagkakalooban ng pagkamartir, ang pagkapatay sa landas ni Allah. Ikalawa. Hindi siya mamamagitan sa Araw ng Pagbangon kapag mamamagitan ang mga mananampalataya sa mga kapatid nila na naobliga sa Impiyerno.