May binanggit sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na dalawang lalaking ang isa sa dalawa ay isang tagasamba at ang iba naman ay isang tagaalam. Alin sa dalawa ang higit na mainam? Kaya nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kalamangan ng nakaaalam ng mga kaalamang pangkapahayagan, na tagapagsagawa ng mga ito at tagapagturo ng mga ito, higit sa mananambang nakatuon sa pagsamba sa kabila ng pagkakaalam nito sa kinakailangan dito na kaalaman ay gaya ng kalamangan niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at karangalan niya higit sa pinakamababa sa mga Kasamahan. Pagkatapos naglinaw siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang kadahilanan niyon ay dahil si Allāh, ang mga anghel Niya kabilang sa mga tagapasan ng Trono, ang mga naninirahan sa mga langit kabilang sa nalalabi sa mga anghel, at ang mga naninirahan sa lupa kabilang sa tao, jinn, at lahat ng mga hayop, pati na ang langgam sa tirahan nito sa ilalim ng lupa, at pati na ang balyena at ang isda ng dagat, na sumasaklaw sa mga hayop ng katihan at karagatan, ay talagang dumadalangin ng kabutihan para sa tagapagturo sa mga tao ng mga kaalaman ng Relihiyon na nasa mga ito ang kaligtasan ng mga tao at ang tagumpay nila.