Humahangang nagwangis ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa nakikinabang sa inihatid sa kanya na katunayan at daang nagpapaabot sa hinihiling at kaalamang pangkapahayagan sa lupang bumababa rito ang maraming ulan. Ang paghahalintulad na ito ay tatlong uri: A. Isang lupaing kaaya-aya na tumatanggap ng tubig ng mga ulan kaya nagpapatubo ng maraming halaman bilang sariwa at bilang tuyot saka nakinabang ang mga tao sa mga ito. B. Isang lupaing tagapigil ng tubig subalit ito ay hindi nagpapatubo ng pananim kaya ito ay nag-iingat ng tubig upang makinabang dito ang mga tao sapagkat umiinom sila at nagpapatubig sila ng mga hayupan nila at mga pananim nila. C. Isang lupaing patag na madulas na hindi pumipigil sa tubig at hindi nagpapatubo ng pananim kaya hindi ito nakikinabang sa tubig na iyon sa sarili nito at hindi nakikinabang ang mga tao mula rito. Kaya ganito ang mga nakarinig noong ipinadala dahil dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na may kaalaman at patnubay. Ang una ay ang nakaaalam na nagpakaunawa sa Relihiyon ni Allāh, na tagagawa ayon sa kaalaman niya, na tagapagturo sa iba sa kanya, kaya siya ay nasa antas ng lupaing kaaya-aya, na uminom kaya nakinabang sa sarili nito at nagpatubo kaya nagpakinabang sa iba pa. Ang ikalawa ay ang nakasasaulo ng kaalaman subalit wala siyang pagkaintindi at paghihinuha sapagkat siya ay tagatipon ng kaalaman, na nagpakaabala ng panahon niya roon, gayon pa man hindi siya nagsagawa ng mga kinukusang-loob dito o hindi siya nakaunawa sa tinipon niya kaya siya ay isang kasangkapan ng iba sa kanya. Siya ay nasa antas ng lupaing pinagtitigilan ng tubig para makinabang ang mga tao rito. Ang ikatlo ay ang sinumang nakaririnig ng kaalaman ngunit hindi nakapagsasaulo nito, hindi nagsasagawa nito, at hindi nagpaparating nito sa iba pa sa kanya kaya siya ay nasa antas ng lupaing maasin o madulas na walang halaman dito at hindi tumatanggap ng tubig o nakasisira nito sa iba pa.