Naglinaw ang Propeta (s) na ang sinumang nagsabi nang tatlong ulit sa umaga ng bawat araw matapos ng pagsapit ng madaling-araw at sa hapon ng bawat maghapon bago ng paglubog ng araw ng: "Bismi -llāhi (Sa ngalan ni Allah)" – nagpapatulong ako at nagpapakaingat ako laban sa tagaperhuwisyo – "-lladhī lā yaḍurru ma`a (na walang nakapipinsala sa)" – pagkasabay sa pagbanggit sa – "-smihi (pangalan Niya)" – na alinmang – "shay'un (bagay)" – maging gaano man tumindi ito – "fi -l'arḍi (sa lupa)" – at lumalabas mula rito na pagsubok – "wa-lā fi -ssamā'i (ni sa langit)" – at bumababa mula roon na pagsubok – "wa huwa (at Siya ay ang Madinigin)" – sa mga sinasabi natin – "[a]l`alīm (ang Maalam)" – sa mga kalagayan natin. Ang sinumang nagsabi nito kapag gumagabi, hindi dadapo sa kanya ang pagsubok nang biglaan hanggang sa mag-umaga. Ang sinumang nagsabi nito kapag nag-uumaga, hindi dadapo sa kanya ang pagsubok nang biglaan hanggang sa gumabi. Dumapo sa tagapagsalaysay ng hadith na si Abān bin `Uthmān ang pagkaparalisa, na panlalambot ng kalahati ng katawan Nagsimula naman ang lalaki na nakarinig mula kay Abān ng hadith, na tumingin sa kanya habang nagtataka. Kaya nagsabi siya sa lalaki: "Bakit ka tumitingin sa akin? Sumpa man kay Allah, hindi ako nagsinungaling hinggil kay `Uthmān at hindi nagsinungaling si `Uthmān hinggil sa Propeta (basbasan ito ni Allah at pangalagaan). Subalit nang araw na dumapo ito sa akin, hindi nagtakda si Allah sa akin na magsabi ako nito; dinapuan ako ng galit saka nakalimot ako na magsabi ng mga nabanggit na pangungusap na ito."