Gumabay ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungo sa etiketa ng pagbibigay ng pagbati ng kapayapaan sa pagitan ng mga tao: "Assalāmu `alaykum wa-raḥmatu -llāhi wa-barakātuh. (Ang kapayapaan ay sumainyo, ang awa ni Allāh, at ang mga pagpapala Niya.)" Kaya babati ang nakababata sa nakatatanda, ang nakasakay sa naglalakad, ang naglalakad sa nakaupo, at ang kaunting bilang sa marami.