Nakakita ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang lalaking kumakain sa pamamagitan ng kaliwang kamay nito kaya nag-utos siya rito na kumain ito sa pamamagitan ng kanang kamay nito. Ngunit sumagot ang lalaki dala ng pagpapakamalaki at pagsisinungaling na ito ay hindi nakakakaya? Kaya dumalangin laban dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na pagkaitan ito ng pagkain sa pamamagitan ng kanang kamay. Tumugon si Allāh sa dalangin ng Propeta Niya sa pamamagitan ng pagkaparalisa ng kamay ng lalaki kaya hindi ito nakapag-angat ng kamay nito ng pagkain o inumin patungo sa bibig nito matapos niyon.