Humahanga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pumapatungkol sa mananampalataya at mga kalagayan nito bilang pagmamaganda. Iyon ay dahil ang mga kalagayan niya sa kabuuan ng mga ito ay mabuti at hindi ukol iyon sa isa man kundi sa mananampalataya. Kung may dumapo sa kanya na kariwasaan, nagpapasalamat siya kay Allāh dahil dito kaya natatamo para sa kanya ang pabuya dahil sa pasasalamat. Kung may dumapo sa kanya na kariwaraan, nagtitiis siya at umaasa kay Allāh ng gantimpala kaya natatamo para sa kanya ang pabuya dahil sa pagtitiis. Kaya naman siya ay nasa isang pabuya sa bawat kalagayan.