Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nasa masjid niya habang kasama niya ang mga Kasamahan niya saka biglang may dumating na isang Arabeng-disyerto mula sa ilang saka umupo habang umiihi sa isang dako ng masjid. Itinaboy ito ng mga Kasamahan at nagsabi sila: "Magpigil ka at itigil mo iyan." Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hayaan ninyo siya at huwag ninyong putulin sa kanya ang pag-ihi niya." Kaya iniwan nila siya hanggang sa nakatapos siya. Pagkatapos tinawag niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ito saka nagsabi rito: "Tunay na ang masjid ay hindi naaangkop para sa anuman sa pag-ihing ito ni sa mga uri ng karumihan." Ang mga ito lamang ay para sa pag-alaala kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), pagdarasal, pagbigkas ng Qur'ān, tulad nito." Pagkatapos nag-utos siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa isang lalaki kabilang sa mga Kasamahan kaya nagdala ito ng isang timbang pinuno ng tubig saka ibinuhos ito sa ihi nang madali.