Noong nakabalik ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa Ḥajj ng Pamamaalam, nagsabi siya sa isang babaing kabilang sa mga Tagaadya, na hindi nagsagawa ng ḥajj: "Ano ang pumigil sa iyo sa pagsasagawa ng ḥajj kasama namin?" Nagdahilan ito na sila ay may dalawang kamelyo ngunit nagsagawa ng ḥajj ang asawa niya at ang anak niya sakay ng isa sa dalawang kamelyo. Iniwanan ang isa pa upang ipangkuha nila ng tubig mula sa balon. Kaya nagpabatid dito ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na ang pagganap ng `umrah sa buwan ng Ramaḍān ay nakatutulad ang pabuya nito sa pabuya ng isang ḥajj.