Ang mga Kasamahan (malugod si Allāh sa kanila) ay nagtuturing na ang pakikibaka sa landas ni Allāh at ang pakikipaglaban sa mga kaaway ay kabilang sa pinakamainam sa mga gawain. Kaya nagtanong si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung makikibaka sila. Gumabay sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungo sa pinakamainam na pakikibaka sa panig ng mga babae. Ito ay ang ḥajj na tinanggap, na sumasang-ayon sa Qur'ān at Sunnah, na malaya sa kasalanan at pakitang-tao.