Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi sa sandali ng pagkakaupo sa pagitan ng dalawang pagkapatirapa ng: "Rabbi –ghfir lī, rabbi –ghfir lī (Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin; Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin.)" at nag-uulit-ulit nito. Ang kahulugan ng: "Rabbi –ghfir lī (Panginoon ko, magpatawad Ka sa akin)" ay ang paghiling ng tao mula sa Panginoon niya na pawiin ang mga pagkakasala niya at pagtakpan ang mga kapintasan niya.