Dumaing ang isa sa mga Babaing Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagpapatuloy ng paglabas ng dugo sa kanya. Kaya nag-utos ito sa kanya na huminto siya sa pagsasagawa ng ṣalāh ayon sa tagal na dati nang ang pagreregla niya ay humahadlang sa kanya bago ng paglabas nitong bagay na natataon sa kanya. Pagkatapos maliligo siya at magsasagawa siya ng ṣalāh. Kaya naman siya noon ay naliligo nang kusang-loob para sa bawat ṣalāh.