Nagpabatid ang ina ng mga mananampalataya na si Maymūnah (malugod si Allāh sa kanya) tungkol sa paraan ng pagpaligo ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) dahil sa janābah yayamang naglagay ito para sa kanya ng tubig upang ipampaligo niya at nagtakip ito sa kanya ng isang panakip. Kaya gumawa naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng sumusunod: A. Nagbuhos siya ng tubig sa mga kamay niya saka naghugas ng mga ito bago siya nagpasok ng mga ito sa lalagyan ng tubig. B. Nagbuhos siya ng tubig sa pamamagitan ng kanang kamay niya sa kaliwang kamay niya saka naghugas ng ari niya para maglinis nito mula sa anumang kumapit dito na bakas ng janābah. C. Tumapik siya ng kamay niya sa lupa saka pumahid nito, pagkatapos naghugas nito upang maalis ang dumi buhat dito. D. Nagmumog siya sa pamamagitan ng pagpapasok ng tubig sa bibig niya, pagpapakilos ng tubig, at pagpapaikot nito, pagkatapos pagbuga ito. Suminghot siya ng tubig sa pamamagitan ng pagpapasok ng tubig sa ilong niya sa pamamagitan ng hininga niya, pagkatapos pagpapalabas nito upang maglinis nito. E. Naghugas siya ng mukha niya at mga braso niya. F. Nagbuhos siya ng tubig sa ulo niya. G. Nagbuhos siya ng tubig sa nalalabi sa katawan niya. H. Lumipat siya mula sa puwesto niya saka naghugas siya ng mga paa niya sa ibang puwesto kung saan hindi siya naghugas ng mga ito bago pa niyan. Pagkatapos naghatid ang maybahay niya ng isang tela upang ipampunas niya ngunit hindi niya kinuha ito at nagsimula siya na magpunas ng tubig paalis sa katawan niya sa pamamagitan ng mga kamay niya at magpagpag nito.