Ayon kay Abū Muḥammad Al-Ḥasan bin Alīy bin Abī Ṭālib – ang apo ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang sinisinta nito – na nagsabi: {... Nagsabi ito: "Naisaulo ko mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Iwan mo ang nagpapaalinlangan sa iyo tungo sa hindi nagpapaalinlangan sa iyo."} Tumpak - Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy at Imām An-Nasā'īy
explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pag-iwan ng anumang nagdududa ka hinggil dito kabilang sa mga sinasabi at mga ginagawa – kung ito ba ay sinasaway o hindi, kung ito ba ay bawal o pinahihintulutan – tungo sa anumang hindi nagdududa ka hinggil dito kabilang sa anumang nakapagtiyak ka sa kagandahan nito o pagkaipinahihintulot nito.

explain-icon

fawaed

  • Kailangan sa Muslim ang pagbatay ng mga nauukol sa kanya sa katiyakan at ang pag-iwan sa pinagdududahan, at na siya sa pagrerelihiyon niya ay maging batay sa isang pagkatalos.
  • Ang pagsaway laban sa pagkasadlak sa mga maling akala.
  • Kapag ninais mo ang kapanatagan at ang kapahingahan, iwan mo ang pinagdududahan at itapon mo sa tabi.
  • Ang awa ni Allāh sa mga lingkod Niya yayamang nag-utos Siya sa kanila ng may dulot na kapahingahan ng kaluluwa at isip at sumaway Siya sa kanila laban sa may dulot na pagkabagabag at pagkalito.