Ayon kay Abu Al-Ḥawzā' As-Sa`dīy na nagsabi: {Nagsabi ako kay Al-Ḥasan bin Alīy (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): "Ano ang naisaulo mo mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)?" Nagsabi ito: "Naisaulo ko mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Iwan mo ang nagpapaalinlangan sa iyo patungo sa hindi nagpapaalinlangan sa iyo sapagkat tunay na ang katapatan ay kapanatagan at tunay na ang kasinungalingan ay pag-aalinlangan."} Tumpak - Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nasā'īy, at Imām Aḥmad
explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pag-iwan ng nagpapaduda kabilang sa mga sinasabi at mga ginagawa – kung ito ba ay sinasaway o hindi, kung ito ba ay bawal o pinahihintulutan – tungo sa walang duda roon kabilang sa anumang nakapagtiyak ka sa kagandahan nito o pagkaipinahihintulot nito. Tunay na ang puso ay napapanatag doon at natatahimik. Ang anumang may pag-aalinlangan, nababagabag ang puso roon at naliligalig.

explain-icon

fawaed

  • Kailangan sa Muslim ang pagbatay ng mga nauukol sa kanya sa katiyakan at ang pag-iwan sa pinagdududahan, at na siya sa pagrerelihiyon niya ay maging batay sa isang pagkatalos.
  • Ang pagsaway laban sa pagkasadlak sa mga maling akala.
  • Kapag ninais mo ang kapanatagan at ang kapahingahan, iwan mo ang pinagdududahan at itapon mo sa tabi.
  • Ang awa ni Allāh sa mga lingkod Niya yayamang nag-utos Siya sa kanila ng may dulot na kapahingahan ng kaluluwa at isip at sumaway Siya sa kanila laban sa may dulot na pagkabagabag at pagkalito.