Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan hinggil sa pananaig ng mga Muslim mula kinabukasan laban sa mga Hudyo ng Khaybar na isang lungsod malapit sa Madīnah. Iyon ay sa kamay ng isang lalaking bibigyan niya ng watawat. Ito ay ang bandila na ginagawa ng hukbo bilang simbolo para rito. Ang lalaking ito ay may katangian na siya ay umiibig kay Allāh at sa Sugo Nito at umiibig sa kanya si Allāh at ang Sugo Nito. Bumanggit nga si Umar bin `Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay hindi umibig sa pamumuno at na maging siya ay ang pinapakay, maliban sa araw na iyon, sa pag-asa na tumama sa kanya ang sinabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na pag-ibig kay Allāh at sa Sugo Nito. Nag-unat si `Umar (malugod si Allāh sa kanya) ng katawan niya upang makakita sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pag-asa na tawagin siya para rito at dala ng sigasig at dala ng pagmimithi sa pagkuha ng watawat na iyon. Ngunit tinawag ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) si `Alīy bin Abī Ṭālib (malugod si Allāh sa kanya) saka ibinigay sa kanya ang watawat. Nag-utos sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kumilos siya kasama ng hukbo at matapos makipagtagpo sa kaaway niya huwag siyang bumaling palayo sa pakikipaglaban dahil sa pahinga o pagtigil o tigil-labanan hanggang sa magpawagi si Allāh sa kanya sa mga muog na ito sa pamamagitan ng pagkapanalo at pananaig. Humayo si `Alīy (malugod si Allāh sa kanya), pagkatapos huminto siya subalit siya ay hindi lumingon upang hindi sumalungat sa utos ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Nagtaas si `Alīy (malugod si Allāh sa kanya) ng tinig niya: "O Sugo ni Allāh, batay sa ano po ako makikipaglaban sa mga tao?" Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Makipaglaban ka sa kanila hanggang sa sumaksi sila na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh; sapagkat kapag tumugon sila at nakapasok sila sa Islām, nakapangalaga nga sila laban mula sa iyo sa mga buhay nila at mga ari-arian nila at naging bawal ang mga ito sa iyo, maliban sa karapatan sa mga ito. Nangangahulugan ito na malibang kapag nakagawa sila ng isang krimen o isang pagsalangsang nagiging karapat-dapat sila sila dahil dito sa parusang kamatayan alinsunod sa mga patakaran ng Islam. Ang pagtutuos sa kanila ay nasa kay Allāh.