Nagsabi si `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) sa Propeta (s): "Sumasapat sa iyo na si Ṣafīyah." Tinutukoy ang ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na kabilang sa mga kapintasang pampisikal ni Ṣafīyah ay na ito ay pandak. Kaya nagsabi ang Propeta: "Talaga ngang nagsabi ka ng isang salitang kung sakaling inilahok sa tubig ng dagat, talaga sanang nanaig ito roon, nagpaiba ito niyon, nakasira ito roon." Nagsabi ito: "Gumawa ka ng ginawa ng isang tao," bilang pagmamata sa kanya. Kaya nagsabi ang Propeta (s): "Hindi nagpapagalak sa akin na magsalita ako hinggil sa kapintasan niya o na makipagkuwentuhan ako hinggil sa kanya at gumawa ako ng tulad sa gawa niya o magsabi ako ng tulad sa sabi niya sa paraan ng pagmamata, kahit pa man binigyan ako ng maraming bagay mula sa Mundo dahil doon."