Noong panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay may isang lalaking ang pangalan ay `Abdullāh at tinatagurian bilang Ḥimār. Ito noon ay nagpapatawa sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa ilan sa pananalita nito. Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay humagupit nga rito dahil sa pag-inom ng alak, saka inihatid na naman ito isang araw dahil sa pag-inom ng alak kaya nag-utos siya na parusahan ito saka hinagupit ito. Inalipusta ito ng isa sa mga nakadalo at sinabi niyon: "Sumpain siya ni Allāh! Anong dami ng paghahatid sa kanya! Uminom na naman siya ng alak!" Kaya nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Huwag kayong manalangin sa kanya ng pagtaboy mula sa awa ni Allāh sapagkat sumpa man kay Allāh, wala akong nalaman kundi na siya ay umiibig kay Allāh at sa Sugo Niya."