Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Muslim na manghamak at mag-alipusta sa kapwa nito Muslim, na iyon ay bahagi ng kasuwailan, ang paglabas sa pagtalima kay Allāh at sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan), at na ang pakikipaglaban ng Muslim sa kapwa nito Muslim ay kabilang sa mga gawaing pangkawalang-pananampalataya subalit ito ay isang maliit na kawalang-pananampalataya.