Ang Propeta minsan (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay naglalakbay sa isang paglusob habang kasama niya ang mga Kasamahan kabilang sa mga Tagalikas at mga Tagaadya (malugod si Allāh sa kanila). Namalo ang isang lalaking kabilang sa mga Tagalikas ng pigi ng isang lalaking kabilang sa mga Tagaadya sa pamamagitang ng kamay niyon. Kaya nagsabi ang Tagaadya: "Saklolohan ninyo ako, O mga Tagaadya." Nagsabi naman ang Tagalikas: "Saklolohan ninyo ako, O mga Tagalikas." Kaya nagparinig nito si Allāh sa Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan). Nagsabi siya: "Ano ito?" Kaya nagsabi sila: "Namalo po ang isang lalaking kabilang sa mga Tagalikas ng pigi ng isang lalaking kabilang sa mga Tagaadya. Kaya nagsabi ang Tagaadya: Saklolohan ninyo ako, O mga Tagaadya. Nagsabi naman ang Tagalikas: Saklolohan ninyo ako, O mga Tagalikas." Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Mag-iwan kayo ng nakahiratiang pangkamangmangang iyan sapagkat tunay na iyan ay pangit na kasuklam-suklam na nakapeperhuwisyo." [Ang nakahiratiang] iyan ay na ang lalaki, kapag nadaig ng kahidwaan niya, ay nanawagan sa mga kalipi niya saka nagdadali-dali naman sila sa pag-adya sa kanya – nang-aapi man siya o naaapi, dala ng isang kamangmangan mula sa kanila at tribalismo. Nagsabi pa si Jābir: "Ang mga Tagaadya noon nang dumating ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah bilang isang tagalikas ay higit na marami. Pagkatapos dumami ang mga Tagalikas matapos niyan. Nagsabi naman si `Abdullāh bin Ubayy bin Salūl: "At umabot nga ba ang usapin sa puntong ito? Sumpa man kay Allāh, talagang kung nakabalik tayo sa Madīnah ay talaga ngang magpapalisan ang mga pinakamakapangyarihan," tumutukoy siya sa sarili niya at sinumang kasama sa kanya, "mula sa Madīnah sa mga pinakakaaba-kaaba," tumutukoy siya sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at sinumang kasama sa kanya. Kaya nagsabi si `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya): "Hayaan mo ako, O Sugo ni Allāh, na tumaga sa leeg ng mapagpaimbabaw na ito." Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Hayaan mo siya. Hindi magsasalita ang mga tao na si Muḥammad ay pumapatay ng mga tagasunod niya, kahit pa man sa panlabas."