Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) tungkol sa tatlong uri ng mga tao, na mga karapat-dapat sa parusa ni Allāh sa Araw ng Pagbangon sa pamamagitan ng tatlong kaparusahan, kung hindi sila nagbalik-loob o hindi napatawad para sa kanila ang parusa: Ang Una: Hindi kakausap sa kanila si Allāh sa Araw ng Pagbangon dahil sa tindi ng galit Niya, bagkus aayaw Siya sa kanila o kakausap Siya sa kanila sa isang usapang hindi magpapagalak sa kanila at magpapatunay sa pagkainis Niya sa kanila. Ang Ikalawa: Hindi Siya magpapabusilak sa kanila at hindi Siya magdadalisay sa kanila mula sa mga pagkakasala. Ang Ikatlo: Ukol sa kanila ay isang nakasasakit na matinding pagdurusa sa Kabilang-buhay. Ang mga uring ito ay ang sumusunod: Ang Unang Uri: matandang lalaki na nasasadlak sa kahalayan ng pangangalunya. Ang Ikalawang Uri: Ang maralitang walang yaman at sa kabila niyon siya ay nagpapakamalaki sa mga tao. Ang Ikatlong Uri: Ang sinumang nagpapakarami sa panunumpa kay Allāh sa pagtitinda at pagbili kaya nakahahamak sa ngalan ni Allāh at gumagawa rito bilang isang kaparaanan sa pagkita ng salapi.