May dumaing na isang lalaki sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na mayroon daw siyang kamag-anak at kaanak, na nakikitungo siya sa kanila ng pinakamaganda samantalang sila naman ay nakikitungo sa kanya ng kabaliktaran niyon sapagkat nagpapanatili siya ng ugnayan sa kanila at pumupunta sa kanila samantalang pumuputol naman sila ng ugnayan sa kanila, gumagawa siya ng maganda sa kanila sa pamamagitan ng pagsasamabuting-loob at pagkamatapat at gumagawa naman sila ng masagwa sa kanya sa pamamagitan ng pang-aapi at kagaspangan, at nagtitimpi siya at nagpapaumanhin siya sa kanila at nagmamaltrato naman sila sa kanya sa pamamagitan ng pangit na sinasabi at ginagawa. Kaya magpapatuloy ba siya sa pagpapanatili ng ugnayan sa kanila sa kabila ng nabanggit? Kaya nagsabi sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kung ito ay gaya ng binanggit mo, tunay na ikaw ay humihiya sa kanila at humahamak sa kanila sa mga sarili niya. Para bang ikaw ay nagpapakain sa kanila ng mainit na abo dahil sa dami ng paggawa mo ng maganda at kapangitan ng gawain nila sa ganang sarili nila. Hindi matitigil na may kasama sa iyo na isang tagatulong mula sa ganang kay Allāh laban sa kanila at isang tagatulak palayo sa iyo ng perhuwisyo nila hanggat ikaw ay ayon sa binanggit mo na paggawa mo ng maganda sa kanila habang nanatili naman sila sa paggawa nila ng masagwa sa iyo."