Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagbanggit kay Allāh sa sandali ng pagpasok sa bahay at bago kumain. Kapag bumanggit siya kay Allāh sa pagsabi niya ng: "Bismi -llāh (Sa ngalan ni Allāh)" sa sandali ng pagpasok niya sa bahay niya at sa sandali ng pagsisimula ng pagkain niya, magsasabi ang demonyo sa mga katulong nito: "Walang parte para sa inyo sa pagmamagdamagan ni hapunan sa bahay na ito na sumangga ang nakatira rito laban sa inyo sa pagbanggit kay Allāh (napakataas Siya)." Kapag naman pumasok ang lalaki sa bahay niya saka hindi siya bumanggit kay Allāh sa sandali ng pagpasok niya ni sa sandali ng pagkain niya, magpapabatid ang demonyo sa mga katulong niya na sila ay nagkamit ng pagmamagdamagan at hapunan sa bahay na ito.