explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay hindi mag-iiwan matapos niya ng isang pagsubok at isang pagsusulit na higit na mapinsala sa mga lalaki kaysa sa mga babae. Kung ang babae ay kabilang sa mag-anak niya, maaaring may mangyari sa kanya na pagsubaybay dito kaugnay sa pagsalungat sa Batas ng Islām. Kung ito naman ay isang babaing estranghera sa kanya, [ang pagsubok ay] ang pakikihalubilo niya, ang pakikipagsarilihan niya rito, at ang inireresulta roon na mga katiwalian.

explain-icon

fawaed

  • Kailangan sa Muslim ang mag-ingat laban sa tukso ng mga babae at ang magpinid ng bawat daang nagsasanhi ng sigalot dahil sa babae.
  • Nararapat sa mananampalataya ang pangungunyapit kay Allāh at ang pagkaibig dito alang-alang sa kaligtasan sa mga sigalot.