explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pagpuri ng tao sa Panginoon nito dahil sa kabutihang-loob Niya at mga biyaya Niya ay kabilang sa bagay-bagay na nagtatamo ito sa pamamagitan ng mga iyon ng kaluguran ni Allāh, kaya naman kumakain ito ng pagkain, nagsasabi ito ng Alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh), umiinom ito ng inumin, at nagsasabi ito ng Alḥamdu lillāh (ang papuri ay ukol kay Allāh).

explain-icon

fawaed

  • Ang pagkamapagbigay ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sapagkat nagmabuting-loob nga Siya dahil sa pagtustos at nalugod nga Siya dahil sa papuri.
  • Ang pagkalugod ni Allāh ay natatamo sa pamamagitan ng pinakamadaling kadahilanan gaya ng papuri [sa Kanya] matapos ng pagkain at pag-inom.
  • Kabilang sa mga etiketa ng pagkain at pag-inom ang pagpuri kay Allāh (napakataas Siya) matapos agad ng pagkain at pag-inom.