Nagtanong ang ilan sa mga Kasamahan ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsabi sila: "Tunay na kami ay kumakain at hindi nangyayari sa ganang amin ang pagkabusog." Kaya nagsabi sa kanila ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaya baka kayo ay naghihiwa-hiwalay sa sandali ng pagkain sapagkat kumakain ang bawat isa sa pagkabukod-tangi niya?" Nagsabi sila: "Opo." Nagsabi siya: "Kaya magsama-sama kayo, kumain kayo na hindi mga nagkakahiwa-hiwalay, at bumanggit kayo ng pangalan ni Allāh sa sandali ng pagkain sa pamamagitan ng pagsabi ng: Bismi -llāh (Sa ngalan ni Allāh)," magpapala sa inyo si Allāh dito at matatamo sa inyo ang pagkabusog.