Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pamamaraan ng tumpak ng pagtitinda kaugnay sa anim na klaseng maipampapatubo (ribawīy). Ang mga ito ay ang ginto, ang pilak, ang trigo, ang sebada (barley), ang datiles, at ang asin. Kapag ang mga ito ay kabilang sa mismong uri gaya ng pagtitinda ng ginto kapalit ng ginto at pilak kapalit ng pilak, walang pagkaiwan sa dalawang kundisyon: Una. Ang pagkakatularan sa timbang kung ito ay tinitimbang gaya ng ginto at pilak o ang pagkakatularan sa takal kung ito ay tinatakal gaya ng trigo, sebada, datiles, at asin. B. Ang pagkatanggap ng tagapagtinda ng kabayaran at ng mamimili ng paninda at iyon ay sa lugar ng pagdaraos ng pagtitinda. Kapag nagkaiba ang mga klaseng ito gaya ng pagtitinda ng ginto kapalit ng pilak at ng datiles kapalit ng trigo, halimbawa, pinapayagan ang pagtitinda ayon sa iisang kundisyon. Ito ay ang pagkatanggap ng tagapagtinda ng kabayaran at ng mamimili ng paninda sa lugar ng bilihan. Kung hindi naman, ang pagtitinda ay walang-saysay at nasadlak nga sila sa patubo (ribā) na ipinagbabawal. Ang tagapagtinda at ang mamimili roon ay magkatulad.