Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: Hindi nagdasal ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang dasal matapos na bumaba sa kanya ang talatang (Qur'ān 110:1): {Kapag dumating ang pag-aadya ni Allāh at ang pagsakop} malibang nagsasabi siya rito ng: "Subhḥnāka rabbanā wa-bi-ḥamdika. Allāhumma -ghfir lī. (Kaluwalhatian sa Iyo, O Panginoon namin, at kalakip ng papuri sa Iyo. O Allāh, magpatawad Ka sa akin.)"} Ayon pa sa kanya: {Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagpaparami ng pagsabi sa pagkayukod niya at pagkapatirapa niya ng: "Subhḥnāka rabbanā wa-bi-ḥamdika. Allāhumma -ghfir lī. (Kaluwalhatian sa Iyo, O Panginoon namin, at kalakip ng papuri sa Iyo. O Allāh, magpatawad Ka sa akin.)" Nagpapakahulugan siya nito sa Qur'ān.} Tumpak - Nagkasang-ayon sa katumpakan nito
explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang ina ng mga mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), noong ibinaba sa kanya ang talatang (Qur'ān 110:1): {Kapag dumating ang pag-aadya ni Allāh at ang pagsakop}, ay nagpapakahulugan sa Qur'ān at nagdadali-dali sa pagsunod sa utos ni Allāh (napakataas Siya) sa sabi Nito (Qur'ān 110:3): {magluwalhati ka kalakip ng papuri sa Panginoon mo at humingi ka ng tawad sa Kanya.} Kaya siya noon ay nagpaparami ng pagsabi sa sandali ng pagkakayukod niya at pagkakapatirapa niya sa sandali ng ṣalāh ng: "Subhanāka (Kaluwalhatian sa Iyo)" bilang pagpapawalang-kinalaman sa Iyo sa bawat kakulangan palayo sa hindi naaangkop sa Iyo. "Allāhumma rabbanā wa-bi-ḥamdik. (O Allāh, Panginoon namin, at kalakip ng papuri sa Iyo.)" sa pamamagitan ng pagbubunying pinapupurihan sa Iyo dahil sa kalubusan ng sarili Mo, mga katangian Mo, at mga gawain Mo. "Allāhumma -ghfir lī. (O Allāh, magpatawad Ka sa akin.)" Magpawi Ka sa akin ng pagkakasala ko at magpalampas Ka sa akin nito.

explain-icon

fawaed

  • Ang pagsasakaibig-ibig ng pagpaparami ng panalanging ito sa pagkakayukod at pagkakapatirapa.
  • Ang paghingi ng tawad sa katapusan ng buhay ay may isang pagtawag-pansin na magpawakas ka ng mga pagsamba gayon din – lalo na ng pagdarasal – sa pamamagitan ng paghingi ng tawad upang mapunan ang nangyari rito na kakulangan.
  • Ang pinakamaganda na ipinangsusumamo kay Allāh sa pagtanggap ng panalangin ay ang pagsambit ng dhikr ng mga kapurihan Niya, pagluluwalhati sa Kanya, at pagpapawalang-kinalaman sa Kanya sa mga kakulangan at mga kapintasan.
  • Ang kainaman ng paghingi ng tawad at ang paghiling nito sa bawat kalagayan.
  • Ang kalubusan ng pagkamananamba ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang pagsunod niya sa utos ni Allāh.