Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamabuting araw na sinikatan ng araw ay ang araw ng Biyernes. Kabilang sa mga kakanyahan nito na si Allāh ay lumikha dito kay Adan (sumakanya ang pangangalaga). Dito nagpapasok si Allāh sa kanya sa Paraiso at dito nagpalabas si Allāh sa kanya mula roon at nagpalapag sa kanya sa lupa. Hindi sasapit ang Huling Sandali kundi sa araw ng Biyernes.