explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid si `Uqbah bin `Āmir (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi sa kanya: "Nagpababa si Allāh sa akin kagabi ng mga tanda na hindi nakita ang tulad ng mga ito kailanman." Tinutukoy niya ang paghiling ng pagkupkop, ang dalawang tagapagpakupkop: ang kabanatang: {Sabihin mo: "Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng bukang-liwayway ...} at ang kabanatang: {Sabihin mo: "Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng mga tao, ...}

explain-icon

fawaed

  • Ang paglilinaw sa kadakilaan ng kainaman ng dalawang kabanatang ito.
  • Ang paghimok sa pagpapakamapagpakupkop sa pamamagitan ng dalawang ito laban sa lahat ng mga kasamaan.