May dumating na isang lalaking kabilang sa mga Hudyo sa Pinuno ng mga Mananampalataya na si `Umar (malugod si Allāh sa kanya) at nagsabi ito sa kanya: "May talata sa Aklat ninyo na binibigkas ninyo. Kung sakaling bumaba ito sa amin – katipunan ng mga Hudyo – sa kasulatan namin, ang Torah, talaga sanang gumawa kami sa araw na iyon bilang isang pagdiriwang, na magdiriwang kami nito bilang pasasalamat sa pagpapala ng pagbaba ng dakilang talatang ito." Kaya nagsabi rito si `Umar (malugod si Allāh sa kanya): "Aling talata?" Nagsabi ito (Qur'ān 5:3): {Sa araw na ito bumuo Ako para sa inyo ng Relihiyon ninyo, lumubos Ako sa inyo ng biyaya Ko at nalugod Ako para sa inyo sa Islām bilang relihiyon.} Nagsabi si `Umar (malugod si Allāh sa kanya): "Nakaalam nga kami sa araw na iyon at lugar na bumaba roon ang marangal na talatang ito sapagkat bumaba nga ito sa araw ng Eid – ang araw ng Biyernes – sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang siya ay nakatayo sa `Arafah." Ang dalawang ito ay dalawang dakilang araw sa ganang mga Muslim.