Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi sa sandali ng pagtindi ng pighati at kapanglawan sa kanya: "Lā ilāha illā -llāhu (Walang Diyos kundi si Allāh)" Walang sinasamba ayon sa karapatan kundi si Allāh. "[a]lḥalīm, (ang Sukdulan,)" sa kalagayan, ang Kapita-pitagan sa kahalagahan sa sarili Niya, mga katangian Niya, at mga gawain Niya. "[a]lḥalīm. (ang Matimpiin.)" na hindi nagmamadali sa tagasuway sa kaparusahan, bagkus nagpapaliban nito at maaaring magpaumanhin dito sa kabila ng kakayahan sa pagpaparusa sapagkat Siya ang Nakakakaya (kaluwalhatian sa Kanya) sa bawat bagay. "Lā ilāha illā -llāhu rabbu -l`arshi -l`aḍ̆īm. (Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng tronong sukdulan.)" ang Tagalikha ng tronong dakila. "Lā ilāha illā -llāhu rabbu -ssamawāti wa-rabbu -l'arḍi (Walang Diyos kundi si Allāh, ang Panginoon ng mga langit at ang Panginoon ng lupa")" ang Tagalikha ng mga langit at lupa, ang Tagalikha ng bawat bagay sa mga ito, ang Tagapagmay-ari nito, ang Tagapagsaayos nito, at ang Tagapatnugot dito kung papaanong niloob Niya. "rabbu -l`arshi -lkarīm. (ang Panginoon ng tronong marangal.)" ang Tagalikha ng tronong marangal.