Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kapag nagnais siya na sumalakay o magsimula nito ay nagsasabi ng ganito ang kahulugan: "O Allah, Ikaw ang magpapawagi sa akin, ang tagatulong sa akin; dahil sa Iyo lamang lilipat ako mula sa isang kalagayan tungo sa iba pa, dahil sa Iyo lamang sasalakay ako sa mga kaaway ng Relihiyon, at dahil sa Iyo makikipaglaban ako."