Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga lalaki laban sa pagsusuot ng seda sa iba't ibang uri nito. Sumaway siya sa mga lalaki at mga babae laban sa pagkain at pag-inom sa mga lalagyan at mga sisidlang yari sa ginto at pilak. Nagpabatid siya na ang mga ito ay natatangi sa mga mananampalataya sa Araw ng Pagbangon dahil sila ay umiwan sa mga ito sa Mundo dala ng pagtalima kay Allāh. Hinggil naman sa mga tagatangging sumampalataya, walang para sa kanila sa Kabilang-buhay dahil sila ay nagpakamadali sa mga kaaya-ayang bagay nila sa buhay nila sa Mundo dahil sa paggamit nila ng mga ito at pagsuway nila sa utos ni Allāh.