Nagpadala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Mu`ādh (malugod si Allāh sa kanya) sa Yemen para magturo sa mga tao at mag-anyaya sa kanila. Kabilang sa ipinag-utos sa kanya na kumuha siya mula sa mga Muslim ng zakāh ng mga baka nila, na sa bawat tatlumpung baka ay kukuha siya ng isang lalaking guya o isang babaing guya, na nalubos sa isang taong gulang; at sa bawat apatnapung baka ay kukuha siya ng isang bakang musinnah, na nalubos sa dalawang taong gulang; na kumuha siya ng jizyah mula sa mga May Kasulatan na mga Hudyo at mga Kristiyano, na para sa bawat lalaking adulto ay isang dinar o nakapapantay sa isang dinar mula sa mga damit sa Yemen, na tinatawag na mu`āfir.