Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na hindi nararapat sa isang Muslim na may isang bagay na itatagubilin dito na mga karapatan o mga ari-arian, kahit pa man ang mga ito ay kaunti, na magpagabi siya nang tatlong gabi malibang habang ang tagubilin niya ay nakasulat sa kanya. Nagsabi si `Abdullāh na anak ni `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Hindi ako nagpagabi ng isang gabi magmula ng nakarinig ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi niyon malibang habang nasa akin ang tagubilin ko.