Nagpabatid ang Ina ng Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh dito) na may isang babaing dumating sa kanya at may kasama sa kanya na dalawang babaing anak niya. Humiling ito sa kanya na bigyan niya ito ng makakain. Hindi nakatagpo si `Ā'ishah sa piling niya ng iba pa sa iisang datiles. Nagbigay siya nito sa kanya saka naghati siya nito sa dalawang babaing anak niya. Pagkatapos tumayo siya saka lumabas. Pumasok naman ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nagsanaysay ako sa kanya kaya nagsabi siya: Ang sinumang nagtangkilik sa mga batang babaing ito ng anuman saka gumawa ng maganda sa kanila, nagdisiplina sa kanila, nagpakain sa kanila, nagpainom sa kanila, nagpadamit sa kanila, at nagtiis sa kanila, sila para sa kanya ay magiging isang panakip at isang pantabing laban sa Impiyerno.