explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang ṣalāh ay hindi natutumpak malibang may pagbigkas ng Sūrah Al-Fātiḥah sapagkat ito ay isang haligi kabilang sa mga haligi ng ṣalāh sa bawat rak`ah.

explain-icon

fawaed

  • Hindi naitutumbas sa pagbigkas ng Sūrah Al-Fātiḥah ang iba pa rito kapag may kakayahan sa pagbigkas nito.
  • Ang kawalang-kabuluhan ng rak`ah na hindi binigkas dito ang Sūrah Al-Fātiḥah sa panig ng nananadya, mangmang, at nakalilimot dahil ito ay isang haligi at ang mga haligi ay hindi naaalis sa pagkatungkulin magpakailanman.
  • Naaalis sa pagkatungkulin sa ma'mūm ang pagbigkas ng Sūrah Al-Fātiḥah kapag nakaabot siya sa imām habang nakayukod.