explain-icon

Ang pagpapaliwanag

Dumalangin ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pagtataboy at pagpapalayo sa awa ni Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) para sa tagapagbayad ng suhol, tagakuha nito, at tagahawak nito. Kabilang doon ang ibinabayad sa mga hukom upang magwalang-katarungan sa paghahatol na binabalikat nila upang umaabot dahil dito ang tagapagbigay sa ninanais niya nang walang katwiran.

explain-icon

fawaed

  • Ipinagbabawal ang pagkakaloob ng suhol, ang pagtanggap nito, ang pamamagitan dito, at ang pagtulong para rito dahil sa taglay nito na pakikipagtulungan sa kabulaanan.
  • Ang suhol ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala dahil ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay sumumpa sa tagatanggap nito at tagapagbigay nito.
  • Ang suhol sa panig ng paghuhukom at paghahatol ay higit na mabigat na krimen at higit na matindi na kasalanan dahil sa taglay nito na kawalang-katarungan at paghahatol nang hindi ayon sa pinababa ni Allāh.