May dinala sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na mga bihag ng digmaan mula sa Hawāzin saka mayroon palang kabilang sa kanila na isang babae na naghahanap ng paslit nito. Kaya kapag nakatagpo ito ng isang paslit, kinukuha nito iyon saka pinasuso nito iyon dahil sa pagkapinsala rito dahil sa pagkatipon ng gatas sa suso nito. Natagpuan naman nito ang anak nito sa mga bihag ng digmaan kaya kinuha niya ito saka idinikit iyon sa tiyan nito at pinasususo nito iyon. Kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa mga Kasamahan niya: "Nakapagpapalagay ba kayo sa babaing iyan na magtatapon ng anak niya sa apoy?" Nagsabi kami: "Hindi po iyan magtatapon niyon nang nagkukusa magpakailanman." Kaya nagsabi siya: "Si Allāh naman ay higit na maawain sa mga lingkod Niyang mga Muslim kaysa sa [babaing] ito sa anak nito."