Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa mangyayari sa kalagayan ng ilan sa Kalipunan niya matapos ng panahon niya. Ito ay ang pakikipagsunuran sa pamamaraan ng mga Hudyo at mga Kristiyano sa mga paniniwala nila, mga gawain nila, mga kinahiratian nila, at mga kaugalian nila sa isang eksaktong matinding pakikipagsunuran nang dangkal sa dangkal at siko sa siko; hanggang sa kung sakaling pumasok sila sa isang lungga ng isang balubid, talagang papasok ang mga ito roon kasunod sa likuran nila.