Naglilinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga naaawa sa iba ay kaaawaan ng Napakamaawain sa pamamagitan ng awa Niya na sumakop sa bawat bagay bilang ganting karampatan. Pagkatapos nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na maawa sa lahat ng mga nasa lupa na tao o hayop o ibon o iba pa kabilang sa mga uri ng nilikha at ang ganti roon ay na maawa sa inyo si Allāh mula sa ibabaw ng mga langit Niya.