Kabilang noon sa mga Hudyo ng Madīnah ang angkan ng Qurayḍ̆ah at ang angkan ng An-Naḍīr. Ang isa sa dalawang angkan ay nakalupig sa isa sa Panahon ng Kamangmangan at nanaig dito ngunit nagkalugud-lugod sila at nagkasundu-sundo na ang bawat napatay na pinatay ng angkang minamataas na nanaig mula sa angkang minamababa na dinaig ay may bayad-pinsala na limampung wasq lamang at ang bawat napatay na pinatay ng angkang minamababa mula sa angkang minamataas ay may bayad-pinsalang doble na isandaang wasq. Ang isang wasq ay animnapung ṣā`.§ Sila ay nasa gayon hanggang sa dumating ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa Madīnah bilang isang tagalikas. Napasailalim ang dalawang pangkatin – ang kapwa dalawang pangkatin – dahil sa pagdating ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) samantalang siya noong araw na iyon ay hindi pa nakagapi sa mga kaaway niya at hindi pa nakapanaig sa dalawang pangkatin sa pagtalima sa kanya dahil iyon sa simula ng pagkalikas samantalang siya ay nasa pakikipagpayapaan. Nakapatay ang pangkating minamababa ng isa mula sa pangkating minamataas. Kaya nagpamensahe ang minamataas sa minamababa: "Magpadala kayo sa amin ng isandaang wasq ayon sa kasunduan." Nagsabi naman ang minamababa: "Nangyari na kaya ito sa dalawang nayon kailanman, na ang relihiyon ng dalawa ay iisa, ang kaangkanan ng dalawa ay iisa, at ang bayan ng dalawa ay iisa, na ang bayad-pinsala ng ilan sa kanila ay kalahati ng bayad-pinsala ng iba pa? Tunay na kami ay nagbigay lamang sa inyo nito dahil sa isang kawalang-katarungan mula sa inyo sa amin at dahil sa isang pangamba sa inyo. Ngunit noong dumating na si Muḥammad, hindi na kami magbibigay sa inyo niyon magpakailanman." Kaya halos ang digmaan ay napukaw sa pagitan ng dalawang pangkatin. Pagkatapos nagkalugud-lugod sila na magtalaga sila sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na maghahatol sa pagitan nila. Pagkatapos nagbulay-bulay ang minamataas na pangkatin saka nagsabi ito [sa isa't isa]: "Sumpa man kay Allāh, hindi si Muḥammad magbibigay sa inyo mula sa kanila ng doble ng ibibigay niya sa kanila mula sa inyo." – talaga ngang nagsabi sila ng totoo – "Hindi sila nagbigay sa atin nito kundi dahil sa isang kawalang-katarungan mula sa atin at dahil sa isang paglupig sa kanila. Kaya magsugo kayo kay Muḥammad nang pakubli ng sinumang maghahatid sa inyo ng pananaw niya. Kung magbibigay siya sa inyo ng ninanais ninyo, pahatulin ninyo siya; at kung hindi siya magbibigay sa inyo ng ninanasa ninyo, iwan ninyo siya at huwag ninyo siyang pahatulin sa pagitan ninyo." Kaya nagsugo sila sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang pakubli ng mga taong kabilang sa mga mapagpaimbabaw upang magpaalam ng pananaw niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Noong dumating sila sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nagbaba si Allāh ng pagkasi at nagpabatid sa Sugo Nito hinggil sa nauukol sa kanila sa kabuuan nito at ninanais nila. Kaya nagpababa si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) sa Kabanatang Al-Mā;idah ng sabi Niya: {O Sugo, huwag magpalungkot sa iyo ang mga nagmamabilis sa kawalang-pananampalataya kabilang sa mga nagsabi: "Sumampalataya kami," ...} (Qur'ān 5:41) hanggang sa sabi Niya: {... Ang sinumang hindi humatol ayon sa pinababa ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga suwail.} (Qur'ān 5:47) Pagkatapos nagsabi pa ang Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) kaugnay sa dalawang pangkatin. Nagbaba si Allāh ng sabi Niya (napakataas Siya): {Ang sinumang hindi humatol ayon sa pinababa ni Allāh, ang mga iyon ay ang mga tagatangging sumampalataya.} (Qur'ān 5:44), {... ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan.} (Qur'ān 5:45), at {... ang mga iyon ay ang mga suwail.} (Qur'ān 5:47). "Sa dalawang iyon tumukoy si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan)."