Bumanggit si An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na siya minsan ay nakaupo sa tabi ng pulpito ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka nakarinig siya ng isang lalaking nagsasabi: "Hindi ako nagbibigay-pansin na hindi ako gumawa ng isang gawain matapos na umanib ako sa Islām kundi na magpainom ako sa tagapagsagawa ng hajj." May nagsabing isa pa: "Hindi ako nagbibigay-pansin na hindi ako gumawa ng isang gawain matapos na umanib ako sa Islām kundi na magtaguyod ako sa Masjid na Pinakababanal." May nagsabi namang isa pa: "Ang pakikibaka sa landas ni Allāh ay higit na mainam kaysa sa sinabi ninyong dalawa." Kaya napagsalitaan sila ni `Umar bin Al-Khaṭṭāb laban sa pagtataas ng tinig sa tabi ng pulpito ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang umaga ng araw ng Biyernes. Nagsabi siya: "Subalit kapag nakapagdasal ako ng dasal sa Biyernes, pupunta ako saka sasangguni ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) hinggil sa bagay na nagkaiba-iba kayo." Kaya nagpababa si Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan) ng: {Gumawa ba kayo sa [nakatalaga sa] pagpapainom sa tagasagawa ng ḥajj at sa pagtataguyod sa Masjid na Pinakababanal gaya ng sumampalataya kay Allāh at sa Huling Araw at nakibaka ayon sa landas ni Allāh? Hindi sila nagkakapantay sa ganang kay Allāh. Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagalabag sa katarungan.} (Qur'ān 9:19)