Binanggit ng Ina ng mga Mananampalataya na si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) na may isang babaing dukha na nagdala ng dalawang babaing anak nito sa kanya. Nanghingi ito sa kanya kaya pinakain niya ito ng tatlong pirasong datiles. Nagbigay naman ito sa bawat isa sa dalawang anak nito ng isang datiles at nag-angat ito papunta sa bibig nito ng isang datiles upang kainin ito ngunit hiniling ng dalawang babaing anak nito ang datiles — na kanina ay ninanais niyang kainin — kaya hinati nito ang datiles sa dalawang bata. Kaya nagpamangha kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) ang inasal nito. Binanggit niya ang ginawa ng babae sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi ito: "Tunay na si Allāh ay nag-obliga nga para sa kanya dahil sa datiles na ito ng Paraiso o nagpalaya sa kanya dahil dito mula sa Impiyerno."